2 NPA PATAY SA ENGKUWENTRO SA CAMSUR

Written by on July 21, 2021

Nakasagupa ng militar ang tinatayang 20 miyembro ng New People’s Army (NPA) kahapon, July 20.
Sa ulat ng 9th Infantry Division, Philippine Army umabot ng halos 30 minuto ang palitan ng putok ng nasabing komunistang teroristang grupo at ng militar mula sa 83rd Infantry Batallion sa Barangay Bongalon, Sagñay, Camarines Sur.

Dalawa ang nasawi sa panig ng mga terorista habang nakatakas naman ang mga kasamahan nito.
Narekober naman sa encounter site ang 12 matataas na kalibre ng armas na binubuo ng walong M16, dalawang M14 at dalawang M653 rifles, ammunition, magazines asin iba pang personal na kagamitan.

Samantala, nakaalerto na rin ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office ng Sañgay dahil sa insidente at pinayuhan na rin ang mga residente na iwasan ang pagsusuot ng mga military uniform o paraphernalia para maiwasan ang misindentification.


Reader's opinions

Leave a Reply

Your email address will not be published.



Current track

Title

Artist