MGA INDIBIDWAL NA SANGKOT SA ILEGAL NA SUGAL ARESTADO SA NASUGBU, BATANGAS

Written by on July 9, 2021

Limang katao ang arestado dahil sa paglalaro ng sugal na majong sa Bgy. Talangan, Nasugbu, Batangas.
Ang mga nahuli ay kinilala nang Nasugbu Municipal Police Station na sina Francisco Mercado, 45 anyos; Noel Villafranca, 42; Fernando Barcelon, 52; Glenn Isar, 39 at Christopher Mercado y Aurelio, 39 anyos, pawang mga residente ng naturang bayan.
Natanggap ng kapulisan ang isang ulat na isinasagawang pagsusugal ng mga nasabing indibidwal sa naturang barangay kaya naman isinagawa ang kaukulang operasyon laban sa mga ito.
Narekober mula sa mga nasabing suspek ang isang set ng Mahjong tiles; 13 game chips at 800 pesos na pera na sinabing taya ng mga ito.


Reader's opinions

Leave a Reply

Your email address will not be published.



Current track

Title

Artist