FISH VENDOR PATAY SA HIT AND RUN INCIDENT SA TIAONG
Written by DZAT on September 9, 2021
Nasawi ang isang fish vendor matapos na amging biktima ito ng hit and run incident na naganap sa Provincial Highway ng Barangay Quipot, Tiaong, Quezon.
Ang biktima ay kinilalang si Jocelyn Bilog Roviños, 41-anyos, residente ng Sitio Loob, Barangay Ayusan 1, Tiaong, Quezon.
Binabaybay ng nasabing biktima ang kahabaan ng eastbound lane ng nasabing kalsada nang mabangga na lamang ito ng isang puting van ng hindi pa nakikilalang suspek.
Samantala kaugnay niyan nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na nagresulta sa kanyang kamatayan.




