OSPITAL SA INFANTA, QUEZON PUNUAN NA ANG HIGAAN PARA SA COVID 19
Written by DZAT on September 14, 2021
Hindi muna tatanggap muli ang Claro M. Recto Memorial Hospital ng mga COVID 19 suspect at probable case.
Ang nasabing ospital na nakabase sa Infanta ay inabot na ang full bed capacity na para sa mga COVID 19 patients na ang ibig sabihin ang mga kama na nakalaan para sa nasabing pasyente ay punuan na.
Nilinaw naman ng pamunuan ng nasabing ospital sa pangunguna ni Dr. Corazon A. Delos Reyes, hepe ng nasabing ospital na tatanggap pa rin sila ng emergency cases ngunit ito ay maaring irefer sa mas mataas na pasilidad.




