LALAKI SA CAMSUR PATAY SA PANANAGA

Written by on September 14, 2021

Isang lalaki sa Del Gallego, Camarines Sur ang patay sa pananaga.
Ang nasabing biktimay ay kinilalang si Daniel Suarilla, 59 taong gulang na residente ng Barangay Comadogcadog sa nasabing bayan.
Sa imbestigasyon nag-aayos ang biktima katuwang ang kanyang asawa sa kanilang tindahan nang bigla na lamang dumating ang suspek na si Solomon Amor, 50 anyos na armado ng bolo nang bigla na lamang pinagtataga ang nasabing biktima.
Taga sa leeg ang naging sanhi ng kamatayan nang nasabing biktima na kung saan kaagad ding naaresto ang suspek.
Samantala pinaniniwalaan na matagal nang galit sa biktima ang naging dahilan nang nangyaring krimen.


Reader's opinions

Leave a Reply

Your email address will not be published.



Current track

Title

Artist