BULKANG TAAL NABAWASAN ANG AKTIBIDAD, ALERT LEVEL 3 NAKATAAS PA RIN
Written by DZAT on July 20, 2021
Sampung volcanic earthquake ang naitala sa bulkang Taal sa nakalipas na 24 na oras.
Ito ay kinabibilangang ng siyam na volcanic tremor events na tumagal ng isa hanggang anim na minuto at isang low frequency volcanic earthquake at low level volcanic tremor.
Samantala sa huling bulletin na inilabas ng PHIVOLCS, nakitaan ito ng pagbuga ng high level carbon dioxide nung Linggo na umabot ng 2,441 tonnes per day.
Alert Level 3 pa rin ang status ng nasabing bulkan at hindi inaalis ang posibilidad ng muling pagputok nito.




