DALAWANG HEALTH CENTER SA PAKIL, LAGUNA PANSAMANTALA MUNANG IPINASARA BILANG PAG-IINGAT SA COVID

Written by on September 8, 2021

Ipinasara muna pansamantala ni Pakil, Laguna Mayor Vince Soriano ang dalawang health centers sa nasabing bayan.
Ito ay ang mga health centers sa Barangay Casinsin at Matikiw.
Ayon sa alkalde, nagkaroon ng sintomas ng COVID 19 ang ilang mga midwives sa nasabing pasilidad kung kaya minabuti muna na ipasara ito.
Ang mga residente ng dalawang nabanggit na barangay na nangangailangan ng atensiyong medikal ay maari muna makipagugnayan at magtungo sa Barangay Casareal, Kabulusan at Banilan Health Centers.
Kaugnay nito, maglalabas muli ng opisyal na anunsyo ang lokal na pamahalaan para sa muling pagbubukas ng pasilidad sa oras na maging maayos na ang sitwasyon.


Reader's opinions

Leave a Reply

Your email address will not be published.



Current track

Title

Artist