DRUG SUSPECT ARESTADO SA CANDELARIA, NANLABAN AT SUGATAN SA BUY BUST
Written by DZAT on July 5, 2021
Isang drug suspect ang sugatan matapos na manlaban sa mga awtoridad sa isinagawang buy bust operation sa Candelaria, Quezon.
Ang suspek ay kinilala na si Christian Mayor Balmes, 25 taong gulang at residente rin ng nasabing lugar.
Nahuli si Balmes ng isang pulis na pinagbentahan niya na nagsilbing poseur buyer.
Pero sa kabila nito nanlaban ang suspek at nakipag-agawan pa ng baril sa isang back up security ngunit aksidente itong naputok ang baril na tumama sa paa ni Balmes.
Nakuha mula sa suspek ang shabu na tinatayang aabot sa P102,408 at iba pang drug paraphernalia.
Sa ngayon ang suspek ay nasa ospital matapos ang nasabing insidente.




