MENOR DE EDAD SUGATAN MATAPOS NA PAGTATAGAIN SA CAMSUR
Written by DZAT on July 22, 2021
Isang 17 anyos na lalaki ang sugatan matapos na pagtatagain sa Barangay Mabini, Del Gallego, Camarines Sur.
Ang nasabing biktima ay residente ng Bgy. Palaspas ng nasabing bayan, samantala ang suspek ay kinilalang si Oliver Sandoval, 21 anyos na kung saan sa ulat ng Camarines Sur Police Provincial Office ay nang dumating ito sa lugar ay bigla na lamang pinagtataga ang biktima.
Nagtamo ng sugat sa iba’ ibang bahagi ng katawan ang biktimang menor de edad na kaagad namang nadala sa ospital.
Sa ngayon ang suspek ay nasa kustodiya ng mga awtoridad.




