SEKTOR NG AGRIKULTURA SA BATANGAS LUBHANG NAAPEKTUHAN NG BULKANG TAAL
Written by DZAT on July 21, 2021
Umaabot sa P33.5 milyong piso ang halaga na nasira sa sektor ng agrikultura bunsod ng pag-aalburuto ng bulkang Taal.
Sa inilabas na datos ng Batangas Provincial Government, aabot sa mahigit anim na libong piraso ng manok o Php 779,000 halagang katumbas dulot ng mataas na antas ng sulfur dioxide mula sa bulkan.
Samantala 24.5 milyong piso namang halaga mula sa mahigit 54 hektaryang sakahan ng palay, calamansi at cassava, at mahigit 1.1 milyong kilogramo ng mga tilapya, bangus, tilapia fry at fingerlings ang nasalanta.




