SUSPEK SA ILIGAL NA DROGA KASAMANG NAMATAY SA PAMAMARIL SA LAGUNA

Written by on January 12, 2021

Apat na katao ang patay kasama ang isa sa mga pinaghihinalaang sangkot sa kalakalan ng iligal na droga makaraan na ang mga ito ay pinagbabaril sa Biñan City, Laguna.

Ang mga namatay ay kinilalang sina James Anthony Alon-alon, 40 anyos na residente ng Barangay dela Paz,  Biñan City at sinasabing lider ng isang drug gang sa lungsod, Jason Mangahis, Carlo at Custer Tanael.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya naaresto na noong 2018 si Alon-alon sa Sta. Rosa City dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga pero pinawalang-sala ng korte.

Nangyari ang nasabing insidente dakong 11:45 ng gabi ng Linggo sa loob ng isang tarpaulin printing and auto shop sa Barangay San Vicente.

Tinatayang nasa walong lalaki sa lugar at pinagbabaril ang mga biktima.

Isinugod pa ang mga ito sa ospital pero namatay din.

Matapos ang insidente ay kaagad namang tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa mabatid na direksyon.

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente


Reader's opinions

Leave a Reply

Your email address will not be published.



Current track

Title

Artist