HIGH GRADE KUSH MARIJUANA NATAGPUAN SA ISANG VAPE SHOP SA BATANGAS
Written by DZAT on January 12, 2021
Nadakip ng mga tauhan ng PNP-Drug Enforcement Group (DEG) ang isang negosyante at isa pang lalaki na tumanggap o claimant ng illegal shipment ng high-grade kush marijuana sa Batangas mula sa Amerika.
Sa ulat ni P/Brigadier General Ronald Lee, hepe ng PNP-DEG kay PNP chief, Gen. Debold Sinas, nakilala ang mga suspek na sina John Yengle Hernandez na isang vape store owner, 29, ng Banaybanay 1st, San Jose, Batangas; at Van Joshua Magpantay, 29, ng Brgy. 3, Mataas na Kahoy, Batangas.
Nabatid na inalerto ng Bureau of Customs ang NAIA-IADITG matapos ang pagkakadiskubre nila ng illegal shipment na naglalaman ng 500 gramo ng kush marijuana na may halagang P600,000
Ang parcel ay pinadala ng nangngangalang Nina Manual mula California, USA na nakapangalan naman sa isang Demetria Escalona na may address na Brgy Dalipit East, Alitagtag, Batangas.
Sa nasabing operasyon nagtuÂÂngo sa vape shop ang mga undercover na tauhan ng NAIA-IADITG at dinala ang parcel na tinanggap naman nina Hernandez at Magpantay sanhi upang agad silang arestuhin.




