LALAKING NANGHOSTAGE ILANG ARAW UMANO NA WALANG KAIN AT TULOG
Written by DZAT on January 12, 2021
Nasagip ng mga awtoridad ang isang person with disability (PWD) na nahostage nung Linggo ng hapon.
Sa nasabing hostage incidente nabaril ng kapulisan ang suspek na kinilalang si Bernard Cortez Adial, 48-anyos na residente ng Quezon, Palawan na kung saan idineklara itong dead on arrival nang dalhin sa Quezon Mdecare Hospital matapos na magtamo ng tama ng bala sa kaniyang leeg.
Sa pagdating ng mga pulis, tumakbo umano si Adial sa tirahan ng kapitbahay at dito nakuha ang biktima na si Shiela Mae Nadoy Saban.
Napag-alaman ng mga imbestigador na si Adial ay hindi nakakain at nakatulog nang dalawang araw bago ang insidente




