DALAWANG MAGKAPATID NA SENIOR CITIZEN HULI SA DRUG BUY BUST SA LUCENA

Written by on January 13, 2021

Nagsagawa ng joint drug buy bust operation ang Lucena Inteligence/ Drug Enforcement Unit at ang Police Intelligence Branch/Drug Enforcement Unit QPPO kahapon, January 12 sa lungsod ng Lucena.

Bandang alas-siyete ng umaga kahapon naaresto si Rhon Jhon Tena Igloria alias Ese, 27 taong gulangn tattoo artist sa Purok Tulungan, Talabis, Bgy. Ibabang Iyam, Lucena City na kung saan nakuha mula sa kanya ang anim na piraso ng plastiuc sachet ng shabu isang pirasong coin purse at limangdaang piso na ginamit bilang buy bust money.

Samantala sa hiwalay pa ring operasyon naaresto naman ang dalawang magkapatid na senior citizen sa Purok Santol 2, Bgy. Mayao Crossing, Lucena City bandang 10:10 ng umaga.

Kinilala ang mga ito na sila Gloria Diaz de Chavez alias Mommy, 61 taong gulang at Zenaida Diaz de Chavez alias Zeny, 60 taong gulang.
Nakuha mula sa kanila ang shabu na may bigat na 38 gramo at tinatayang may halaga na Php775,200.00

Source: Lucena Pulis Quezon Ppo


Reader's opinions

Leave a Reply

Your email address will not be published.



Current track

Title

Artist