DATING NPA NAGBALIK LOOB SA PAMAHALAAN SA MINDORO
Written by DZAT on January 13, 2021
Isang dating miyembro ng New People’s Army (NPA), ang sumuko at nagbalik loob sa pamahalaan sa lalawigan ng Oriental Mindoro kamakailan lamang.
Ang nasabing dating rebelde ay bunga ng programa ng pamahalaan na Retooled Community Support Program (RCSP).
Kasabay ng pagsuko ng nasabing lalaki na dating rebelde ay pinagkalooban siya katuwang ang Department of Interior and Local Government (DILG) ang financila assistance na P 65,000, na kung saan P15,000 ay immediate assistance at P50,000 naman ay ang livelihood assistance.
Source: Philippine Information Agency




