BULKANG TAAL PUMUTOK NG APAT NA BESES KAHAPON
Written by DZAT on July 8, 2021
Apat na phreatomagmatic eruption ang naitala kahapon, July 07 ng umaga sa Taal volcano.
Sa tala ng PHIVOLCS, unang naitala ang pagputok bandang alas-5:18 ng umaga, samantalang nasundang ito bandang alas-8:47 ng umaga, pangatlo ay ganap na alas-9:15 habang ang ikaapat na pagputok bandang alas-9:26 ng umaga.
Namataan sa nasabing pagsabo ang 300 meters ash plume.
Ang abo at usok naman ay namataan sa timog silangang direksiyon.
Samantala ang ikalawa at ikatlong pagsabog ay mas mahina naman ang ibinugang usok at abo.
Ang sulfur dioxide emission sa nasabing bulkan ay nakapagtala naman ng average na 7,560 tons per day.




