RT-PCR TEST SA PAGPASOK NG MGA BIYAHERO DI PA ISINASATABI NG ILANG LGU’S

Written by on July 8, 2021

Marami pang mga lokal na pamahalaan ang humihingi ng palugit kaugnay sa pagpapatanggal sa negative RT-PCR test result bilang isa sa requirement bago makapasok ang mga dadayo sa ibang lalawigan o rehiyon sa ating bansa ayon yan sa Department of Tourism.
Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretry Bernadette Romulo-Puyat, mas kumpiyansa ang mga LGU’s na bukasan ang turismo kapag nabakunahan na ang kanilang mga nasasakupang mamamayan ng bakun kontra COVID 19.
Nagpaalala naman ang kalihim na kahit fully vaccinated na ang isang indibidwal ay hindi ito rason para makapag-party o gawin ang mga bagay na nakasanayan bago pumutok ang pandemya.


Reader's opinions

Leave a Reply

Your email address will not be published.



Current track

Title

Artist