2 BARKO NA MAY COVID 19 POSITIVE CREWS DARATING MAMAYANG HAPON SA ALBAY

Written by on July 20, 2021

Dalawang sea vessel ang nakatakdang dumating mamayang alas-tres ng hapon, sakay ang 12 crew members na positibo sa COVID 19 virus.
Ito ay ang towing vessel na MT CLYDE at barge CLAUDIA na nagmula sa Butuan City, Agusan del Norte at magtutungo sa Legaspi CIty, Albay.
Natanggang ng PCG Station Albay ang isang text message, na nagmula kay Captain Francisco Vargas nung alas-diyes ng umaga ng Linggo, July 18 ukol sa kanilang kalagayan at lokasyon na sakop ng karagantan ng Western Samar.
Tiniyak naman ni Captain Vargas ng PCG Station Albay na hindi bababa sa nasabibg barko ang mga crew ng walang proper authority mula sa kanila.
Unang nagmula ang towing vessel, MT CLYDE at barge, CLAUDIA sa Indonesia at dumating ssa Port of Butuan sa Butuan City, Agusan del Norte noong July 14 at agad umabot sa sumunod na araw bandang 7:00 ng gabi.
Sa ngayon nakatutok ang coast guard sa estado ng dalawang barko upang tiyakin na hindi ito lilihis ng landas.


Reader's opinions

Leave a Reply

Your email address will not be published.



Current track

Title

Artist