SHOOTING INCIDENT SA ORIENTAL MINDORO PROVINCIAL JAIL SA CALAPAN NAGANAP KAHAPON
Written by DZAT on September 8, 2021
Isang Persons Deprived of Liberty (PDL) ang patay kasama ang suspek na nagbaril sa sarili at limang iba pang PDl ang kritikal ang kalagayan matapos ang isang shooting incident sa loob ng Oriental Mindoro Provincial Jail sa Calapan City, madaling araw kahapon, September 07.
Ang suspek na nasawi matapos na magbaril sa sarili ay kinilalang si Edison Sampaga, 41 taong gulang at ang namatay na biktima ay si Lowelyn Mendoza, 36 taong gulang.
Samantala ang iba pang PDl na nasa kritikal na kalagayan sa nasabing insidente ay sina Jeffrey de los Reyes, 37; Christian Licuan, 45; Hector Abes, 41; Mark de la Cruz, 42; at Alberto Ebueza, 21.
Bandang alas dos ng madaling araw habang natutulog ang mga PDL maliban sa mga naka duty na BJMP personnel ay bigla na lamang binaril ni Sampaga si delos Reyes sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan gamit ang 9 mm caliber pistol, nadamay naman sa nasabing insidente ng pamamaril ang iba pang preso na pilit na nagtatago sa likuran ng kanilang personal na kagamitan.
Sa ngayon nagsasagawa ng malalimang imbistegasyon ang kapulisan kaugnay sa nasabing insidente dahilan sa ilang araw na rin pala na napapansin ang suspek base sa imbistegasyon na nakakaranas ito ng depresyon.




