Bamboo processing facility sa isang bayan sa Misamis Oriental, nakatulong sa mga magsasakang kumita

Written by on January 13, 2021

Pinuri ni Mindanao Development Authority (MinDA) Secretary Manny Piñol ang bayan ng Naawan, Misamis Oriental dahil sa pagtatayo nito ng isang bamboo processing facility para tulungang umangat ang buhay ng mga magsasaka sa kabundukan.
Sa isang pahayag, sinabi ni Piñol na naipatayo ang nasabing pasilidad dalawang taon na ang nakalilipas sa pamamagitan ng tulong pinansyal ng Department of Trade and Industry at MinDA.
Ayon sa kalihim, ang nasabing common service facility ay gumagawa na ngayon ng matitibay na kalidad ng furnitures gaya ng school desks at iba pa.
Sa pagbisita ng opisyal noong nakaraang linggo kasama ang alkalde ng bayan na si Dennis Roa, nakita di umano nito ang dekalidad na mga produktong bamboo na mano-manong ginawa ng mga local makers sa nasabing pasilidad.
Dagdag ni Piñol, naghahanap umano si Roa ng furniture designer na makakatulong sa local bamboo furniture makers na makagawa ng produktong makakatawag pansin sa mga tao.


Reader's opinions

Leave a Reply

Your email address will not be published.



Current track

Title

Artist