MGA SUSPEK SA ILIGAL NA PAMUMUTOL NG KAHOY NAHULI SA SARIAYA
Written by DZAT on July 7, 2021
Dalawang lalaki ang nahuli ng Sariaya PNP sa ikinasang Oplan Sita na iligal na nagdadala ng mga iligal na troso kahapon ng madaling araw, July 06, 2021.
Ang mga suspek ay kinilala na sina Japee Pimentel, 34 taong gulang at Ronald Talento, 41 taong gulang na pawang mga residente ng Gumaca, Quezon.
Naaresto sila sa kadahilanan na walang kaukulang dokumento na maipakita sa kargang mga kahot na sakay ng elf van.
Sa ngayon nasa kustodiua ng Sariaya Municipal Station ang mga suspek at ang mga iligal na pinutol na kahoy ay naiturn over na sa Community Environment and Natural Resources Tayabas City.




