EMPLEYADO NG TAYABAS LGU INIREKLAMO NG PAGMOMOLESTIYA ANG ISANG KONSEHAL

Written by on July 8, 2021

Reklamo ang inihain laban sa isang city councilor ng isang babaeng empleyado ng nasabing lokal na pamahalaan.

Kasong Act of Lasciviosness at Sexual Harrasment ang inihain laban dito na nangyari diumano nung araw ng Lunes, July 05 sa bisinidad ng opisina ng Sangguniang Panglungsod bandang alas-dos ng hapon.

Sa salaysay ng 22 taong gulang na biktima naghuhugas siya ng kanyang tasa sa kusina ng opisina nang bigla itong niyakap ng nasabing konsehal at hinipuan sa dibdib.

Agad naman naihain ng Tayabas City Police Station ang reklamo sa City Prosecutor’s Office ng lungsod.


Reader's opinions

Leave a Reply

Your email address will not be published.



Current track

Title

Artist