NEGOSYANTE NATANGAYAN NG LIBONG PISONG HALAGA NG PERA AT ALAHA

Written by on July 21, 2021

Nanakawan ang isang 45 anyos na negosyante sa bahagi ng Sitio Burol, Bgy. Pahinga Norte, Candelaria, Quezon.
Sa ulat ng Candelaria Municipal Police Station, nadiskubre na lamang ng nasabing biktima na nawawala na ang kanyang shoulder bag na naglalaman ng pera, alahas at gadget na umaabot sa P360 libong halaga.
Natangay ng hindi pa nakikilalang suspek ang Php 158,000 na pera, mga alahas na nagkakahalaga ng Php 200,000 at apat (4) na unit ng cellphone na laman ng nasabing bag.
Ang suspek ay napag-alaman na dumaan sa bintana ng bahay ng biktima.


Reader's opinions

Leave a Reply

Your email address will not be published.



Current track

Title

Artist